Monday, September 14, 2015

Epal

Marami talagang epal sa mundo. Isa na siguro diyan yung napanood ko. Maganda na sana ung ginawa nilang pamimigay ng school supplies kaso may nakalagay na pangalan nung nagbigay.

Wednesday, September 9, 2015

Matthew 5:48

Matthew 5:48King James Version (KJV)

48 Be ye therefore perfect, even as your Father which is in heaven is perfect.

Taliwas ang sinasabi ng verse na iyan sa mga sinasabi ng tao na "walang perpektong tao." Sa aking pananaw merong taong perpekto. Siya ang ating Diyos na nagkatawang tao. Si Jesus Christ. Kaya sa mga naniniwala na walang perpektong tao, much better to read your Bible and dont be deceived.

Monday, September 7, 2015

May mga bagay talaga na walang "short-cut" at kaylangan itong matutunan sa mahirap na paraan.

Wednesday, September 2, 2015

Tama nga ang sinabi ni Pangulong Marcos na bagsak na ang Pilipinas dahil hindi itinuloy yung Bataan Nuclear Power Plant. Bakit kasi di pa ginagamit yan hindi na sana mataas ang singilin sa kuryente. Mas lalo tuloy akong nawalan ng tiwala sa administrayong makadilaw.

Sunday, August 16, 2015

Katotohanan

Kung nagsasabi ka ng totoo at may nagalit sayo. Sila yung taong nabubuhay sa kasinungalingan.

Thursday, August 13, 2015

Naruto

Sa panonood ko ng "Naruto" marami akong natutunang aral, taliwas ito sa mga iniisip mg mga nakakatanda na puro daw ito karahasan. Isa sa mga natutunan ko ay
"Kung ayaw mo sa iyong tadhana, maging matapang ka para mabago mo ito sa paraang gusto mo"

Thursday, August 6, 2015

Paglalaro ng Video games

May mabuti bang dulot ang paglalaro ng videogames?

Sa aking pananaw, oo. Kaya lang nasasabi na masama ito kasi karamihan sa mga naglalaro ay naaadik na halos lahat na ng oras nila ay tinuon nila dito. Ang mga mabuting bagay sa paglalaro nito ay pampabilis ng koordination ng matabat ng kamay, pagreresolba ng mga problema, pagiging matalino sa pagpapasya at marami pa. Sa katunayan, may doctor na nagpayo sa isang matanda na mag laro ng DOTA para ma alis ang stress at para maehersisyo ang kanyang utak. Mabuti nga ito pero tandaan na lahat ng sobra ay nagiging masama.